200 TURISTANG DAYUHAN STRANDED SA HUNDRED ISLANDS

HUNDRED ISLANDS

PANGASINAN – MA­TAAS ang morale ng mga residente sa bayan ng Alaminos nang maging stop ng International Cruise Ship ang Hundred Islands National Park.

Sa ulat, mula Hong Kong ang MV Star Legend bago dumaong sa nasabing lalawigan na inaasahang mag-iikot pa sa iba’t ibang bahagi ng Asya.

Ito na ang ika-pitong pagkakataon na dumaong ang naturang luxury cruise ship sa lalawigan para ipasyal ang mga turistang sakay sa tanyag na Hundred Islands.

Bukod sa mga dayuhan, lulan din ng cruise ship ang mga crew nito na karamihan ay mga Filipino.

Sa mga susunod na araw ay inaasahan ang pagdaong nito sa Boracay na siyang kauna-unahang cruise ship na tutungo roon simula nang buksan muli ito sa publiko noong Oktubre. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.