MAYNILA – UMABOT sa 2,000 illegal na dayuhan ang naaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa taong ito na resulta sa walang humpay na kampanya laban sa ilegal alien sa bansa.
Ayon kay Commissioner Jaime Morente, nasa 1,836 ang naaresto ng kanyang mga tauhan mula Enero sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng immigration sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Habang 421 ang bilang ng mga nahuling foreign fugitives ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit (FSU) mula Enero hanggang sa kasalukuyan.
Ayon naman kay BI Acting intelligence chief Fortunato Manahan, karamihan sa mga nahuli ay pawang mga Chinese national, dahil sa pagtatrabaho ng walang working permit mula sa pamahalaan.
Kasama na sa bilang ang 500 Chinese nationals na nahuli sa Pasay City at ang 300 dito ay nasakote sa Puerto Princesa sa Palawan .
Ang latest accomplishment ng BI ay ang 342 Chinese sa isang condominium sa Bago Bantay sa Quezon City na nag-o-operate ng telecom scam at pagtatrabaho ng walang working permit.
Dagdag pa ni Manahan, bukod sa ilegal na pagtatrabaho ng mga ito, ang ilan sa kanila ay sangkot sa terorismo at mga pugante. FROI MORALLOS
Comments are closed.