MANILA – INANUNSIYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nasa 1,000 hanggang 2,000 nurses, medical workers ang kailangan ng Germany.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang nasabing bilang ng Filipino nurses ay ipinaalam sa kanila ng German authorities.
Kasabay niyon ay itatayo ang bagong Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Berlin.
Upang maging tagumpay na kandidato, ang mga interested applicant ay dapat makapagsumite ng job application form hanggang Hunyo 30 kasama na ang kanilang requirements.
Ang mga aplikante ay dapat tapos ng Bachelor of Science in Nursing, holder ng Professional Regulations Commission license, dalawang taong karanasan at handang matuto ng German language. GELO BAIÑO