MANDALUYONG CITY – NASA 2,000 skilled and semi-skilled foreign workers ang kailangan na Canada at kabilang doon ang overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), mayroon nang kasunduan ang Filipinas at Canada para sa pagkuha ng OFWs ng nasabing bansa.
Nagkasundo ang dalawang bansa na magiging government-to-government ang pagkuha ng workers sa Filipinas.
“There is already an agreement na it will be a government-to-government track at pine-prepare na po at pina-finalize na ‘yung ating bilateral labor agreement. Then, we will be ready to start the deployment,” ayon kay Olalia.
Sa ulat, nasa $1,000 o P50,000 hanggang P75,000 ang magiging suweldo kada buwan.
Pinayuhan naman ng POEA ang mga interesado na ihanda ang kailangang dokumento gaya ng pasaporte at training certifications habang pinaplantsa ang bilateral agreement. EUNICE C.