PINAYAGAN ng makabiyahe ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang karagdagang 1,943 Public Utility Jeepneys (PUJs) sa 17 ruta sa Metro Manila.
Ang nasabing ruta ay ang T106 MCU – Sangandaan; T109 Novaliches – Rizal Ave. via A. Bonifacio; T111 Tandang Sora – Visayas Ave. via Quezon City Hall; T112 Monumento – Paco, Obando via M.H. Del Pilar; T114 Quirino Highway – Sta. Lucia; T203 Crame – Cubao via Murphy; T204 Crame – Q. Mart via P Tuazon, E. Garcia; T214 SSS Village, Marikina – Cubao, Quezon City; T215 Parang,Marikina – Marikina (TP) via Fortune; T216 Guadalupe (ABC) – Taguig via Tipas; T217 Calumpang – Cubao via P. Tuazon; T304 Ayala – Guadalupe (Ibabaw) via JP Rizal; T337 Libertad, Pasay – Pasay Rd.; T341 Paco – Sta.Mesa Rtda via Nagtahan; T342 Pier South – Sta. Ana via P. Faura; T345 Navotas – Recto via Heroes Del 96 at T346 Gate 5 – Greenhills Shopping Center Loop.
Magsisimula ang pagbiyahe bukas, Hulyo 29 na kung saan ay mag-iisyu na ang LTFRB ng QR Code sa operators bago ang operasyon na kung saan ay kailangang i-print sa short bond paper at idi-display sa PUJ.
Makukuha ng operators ang kanilang QR Code sa pamamagitan ng pag-download sa website ng LTFRB sa www.ltfrb.gov.ph simula sa ngayon Hulyo 28 dakong alas-3 ng hapon.
“The existing fare matrix of P9.00 for the first (4) kilometers and P1.50 for succeeding kilometer(s) shall be followed. Operators are reminded that no fare adjustment shall be applied unless approved by the Board,” ayon pa sa LTFRB.
Paalala pa ng LTFRB, kailangang sumunod ng operators sa safety measures na inilabas ng Inter-Agency Task for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) bago sa kasagsagan at pagkatapos ng operasyon.
Kabilang dito ang pagsusuri ng body temperature, pagsusuot ng face mask o shield at gloves sa lahat ng operasyon at pag-ooperate nang hanggang 50 porsiyento ang kapasidad.
“Failure to comply with the conditions set forth by the Board will incur penalties from imposition of fines to cancellation or suspension of the Certificate of Public Convenience (CPC) or Provisional Authority (PA),” dagdag pa ng LTFRB.
Comments are closed.