DALAMPUNG porsiyento ang exceeds o lagpas sa target revenue ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2018 makaraang maitala ang kanilang kita na P63.55 bilyon mula sa goal na P60 bilyon.
Ipinagpalagay rin na ito na ang pinakamataas na revenue ng PCSO sa kasaysayan.
Pahayag ni PCSO General Manager Alexander Balutan sa Sama-samang Talakayan at Linawan o press conference na ginawa noong Enero 29, ang mataas na kita nila noong isang taon ay dahil sa puspusan at malakas na performance ng gaming public sa kanilang iba’t ibang game products.
“We surpassed our revenue collection target for 2018. We were able to generate P63.55 billion, surpassing our target revenue of P60 billion. In 2017, we earned P52.98 billion, which increased by 20 percent in 2018,” ayon kay Balutan.
Aniya, dahil sa malaking kita ng PCSO, nakapag-remit sila ng P2.535 bilyon sa national government, na pang-anim na pinakamataas sa sa Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) para sa 2018.
61 INSTANT MILLIONAIRES NOONG 2018
Ibinida rin ni Balutan na noong 2018, 61 lotto bettors ang naging instant milyonaryo kasama na ang dalawang nanalo sa P1.18 bilyon sa Ultra-Lotto.
Samantala, inamin naman ni Balutan na bumaba ang kanilang kita sa Keno ng 18% mula noong 2017 na P5.357 bilyon na naging P4.397 bilyon, habang ang lahat ng lotto/number games ay may pagtaas ang kita.
Sa kabuuan ng P63.55 bilyon gross sales noong 2018, ang Lotto at digit games ang pinakakumita ng 14 porsiyento na umangat ng P31.902 bilyon, sinundan ng Small Town Lottery (STL) na may P26.103 bilyon noong 2018 mula sa P15.743 bilyon revenue noong 2017.
“STL sales for 2018 garnered an exceptional 66% higher than 2017 and that inspires the agency to continue its expansion of STL in 2019,” ayon kay Balutan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 85 Authorized STL Agents (ASAs) sa buong bansa ang PCSO. EUNICE C.
Comments are closed.