2019 AT 2020 PBA TOP PERFORMERS PARARANGALAN

pba

KIKILALANIN ang top performers ng 2019 PBA season at 2020 bubble campaign sa PBA Press Corps virtual Awards Night ngayong araw sa TV5 Media Center.

Sasamahan nina champion coaches Tim Cone ng Barangay Ginebra at Leo Austria ng San Miguel sina Commissioner Willie Marcial at Board Chairman Ricky Vargas bilang special guests sa hour-long event na handog ng Cignal TV.

Ang special program, na iho-host nina Rizza Diaz at Carlo Pamintuan, ay ipalalabas sa  PBA Rush sa Lunes (March 8) sa alas-7 ng gabi.

Ang Awards Night ay isang two-in-one ceremony kung saan makakasama ng awardees ng naunang season ang kanilang  bubble counterparts matapos na makansela ang nakatakdang event ng grupo na nagko-cover sa PBA beat sa huling sandali kasunod ng outbreak ng COVID-19 pandemic.

Si Cone, ginabayan ang Kings sa makasaysayang Philippine Cup championship sa ilalim ng kauna-unahang bubble setup sa Clark, Pampanga ang ta-tanggap ng Outstanding Coach of the Bubble award, habang igagawad kay Austria ang 2019 Baby Dalupan Coach of the Year award makaraang igiya ang Beermen sa back-to-back titles sa 44th season, kabilang ang record fifth straight all-Filipino crown.

Samantala, tatanggapin ni Marcial ang Mr. Executive award, habang si Vargas ang napiling 2019 Danny Floro Executive of the Year.

Ipalalabas din ang congratulatory messages mula sa immediate family members ng late ‘Maestro’ ng Philippine basketball at ng team executive ng sikat na Crispa Redmanizers sa okasyon.

Ang Bubble President’s Award ay ipagkakaloob sa lahat ng 12 PBA teams para sa kanilang mga sakripisyo upang masiguro ang restart  ng Philippine Cup noong nakaraang taon, habang ang 2019 honoree ay si Bulakan, Bulacan Mayor Vergel Meneses, dating PBA MVP at basketball legend.

Pagkakalooban din ng major award si NorthPort veteran Sean Anthony, bilang Defensive Player of the Year (2019).

Ang iba pang bubble awardees ay sina Justine Chua (Top Bubble D-Fender), quintet nina Calvin Abueva, Chris Ross, Mark Barroca, Christian Standhardinger, at Chua (All-Bubble D-Fenders), RJ Jazul (Mr. Quality Minutes), CJ Perez (Scoring Champ), Barangay Ginebra-Meralco Game 5 semis (Game of the Buble) at Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona, and Renzo Subido (All-Rookie Team).

Igagawad naman ang special citation sa PBA staff para sa kanilang non-stop work upang masiguro ang kaligtasan sa Clark bubble.

Ang iba pa sa 2019 batch ng awardees ay kinabibilangan nina Terrence Romeo (Mr. Quality Minutes), June Mar Fajardo (Order of Merit), Perez (Scoring Champion), NorthPort vs. NLEX (Game of the Season), Perez, Robert Bolick, Bobby Ray Parks Jr., Javee Mocon, and Abu Tratter (All-Rookie Team), Kiefer Ravena, Standhardinger, Beau Belga, Vic Manuel, Arwind Santos, and coach Yeng Guiao (All-Interview Team), at PBA D-League Finals MVP Thirdy Ravena (Aspirants’ Cup) at Hased Gabo (Foundation Cup). CLYDE MARIANO

One thought on “2019 AT 2020 PBA TOP PERFORMERS PARARANGALAN”

Comments are closed.