2019 BATANG PBA

on the spot- pilipino mirror

NAGSIMULA  na ang registration para sa 2019 Batang PBA. Sa katunayan ay noong  Pebrero 4 pa nagsimula ang pagpapalista para sa taunang basketball clinic  ng  Batang PBA. Deadline ng registration sa Marso 4, 2019 (Lunes), 5 pm, kaya  sa mga nais lumahok ay magpa-register na sapagkat bawat age group ay may nakalaan lang na  60 slots. Ang registration  fee ay P2500.

Apat na session ang naturang clinic na ginagawa para sa 8 to 11 years old, at 12 to 15 years old. Naka-schedule ang unang bracket para sa edad  na 8 hanggang 11 sa Abril 6, 7, 13, at 14, habang ang 12 to 15 naman ay sa Abril 27 at Abril 28, Mayo 4 at 5, 8am hanggang 11 am, sa UP CHK gym, Diliman, Quezon City. First come, first served.

Magkakaroon ng chance ang inyong mga anak na makapaglaro sa BATANG PBA TOURNAMENT at tatanggap ng 1 set ng PBA uniform. Para sa mga detalye, i-follow ang PBA sa kanilang social media accts. www.pba.com, fb. com/pbaofficial, @pbaconnect, @pbaconnect, youtube. com/pbaoffcial.



Sa unang pagkakataon, nagsama-sama ang komunidad ng mga Filipinong nakabase sa Europe para sa mga  kabataang Pinoy at kaibigang Europa. Bumuo ito ng sariling elite basketball tournament na nakatakdang ganapin sa Parma, Italy. Ang torneo na pangungunahan ng Associazione Sportiva Manila at may basbas ang Embassy ng  Filipinas  sa nasabing bansa ay sisimulan sa Abril 14. May anim na asosasyon na bibitbitin ang pinakamahuhusay nilang mga manlalaro na kakatawan sa bawat koponan.

Binuo ito ni Thonny Santiago, katuwang ang Parma Ballers, at magkakasama-sama ang  ligang Pinoy at Proudly Pinoy Milan sa pangunguna ni Mr. Ever Cuerdo, ang Bologña Selection ni Erick Ivan Bolus, ang Zorient­ Pilipinas ng Third Stocker, ang Luxembourg/Belguim ni Manny Saldaña, ang Myckesole United UK ni Myckesole Mercado at ang MBR Rome ni Jojo Mecha.

Nagkaisa ang mga organizer ng iba’t ibang liga na nilalahukan din ng mga Pinoy para ma­bigyan ng tsansa ang mga kabataan at matuklasan ang kanilang angking galing. Si Dalph Panopio ang Batang  Gilas  member na umusbong mula sa luhang pinoy sa Europe. Ilang beses na itong sumabak sa FIBA-sanctioned  sa under 17, under 19 ng World Championship.



Napanood ko ang laro ni Kai Sotto ng Blue Eaglets kontra  NU Buldogs. Mahusay sa mahusay ang batang Sotto. Subalit medyo may kulang pa siya lalo na pagdating sa kanyang shooting at rebounding. Dapat sanayin ni Kai ang pagsu-shoot tulad ni June Mar Fajardo na bihira sumablay pagdating sa free throw line. Bata pa naman si Kai, siguradong darating din  siya sa position  ni Fajardo at magiging mainit ang mga kamay nito sa kanyang shooting at rebounding. Ang 7’1 player ay may edad pa lang na 16 at siguradong mada­dagdagan pa ang height nito. Kailangang tumabla ang Blue Eaglets sa NU para may isa pang laban ang dalawa sa 81st season ng UAAP juniors cham­pionship.

Comments are closed.