MATAGUMPAY ang ginawang Maningning Miclat Poetry Awards ngayong taon.
Sa nasabing patimpalak ay ipinakikita ang angking galing ng mga artist sa paghabi ng taludtod at talinghaga.
Ngayong taon, ang grand prize sa English Category ay si Vincen Gregory Yu (UP Manila, Intermed 2009-2016, Doctor of Medicine, Contributing Reviewer, PDI Theater).
Ang pamagat ng kanyang lahok ay The Language of Silence and Other Poems.
CITATION: Vincen Gregory Yu’s poetry reads in flashes of thought and surges of feelings that seek to hold moment to moment the helter-skelter reality of human will and destiny.
Second prize naman ang Poems and Other Poems ni Hurhay Medilo.
CITATION:
“Poems and Other Poems” offer a configuration of images alluding to mythic tales that seek to illumine lives in contemporary urban spaces.
Sa Filipino Category naman, ang nakakuha ng unang gantimpala ay si Ralph Lorenz A. Fonte (UP Manila Doctor of Medicine). Ang kanyang koleksiyon ay pinamagatang Sa mga Alimbukay ng Agwat.
Namumukod-tangi ang koleksiyon sa rubdob ng pagpasok sa daigdig ng wika at naabot nito—ang pagitan ng mito at kasaysayan, pag-ibig at pagkamangha, agham at talinghaga.
Ang pagitan ay pangangahas, marahil kamatayan at pagkaagnas, o patuloy na pananalig.
Hinihimok ng makata bilang manlalakbay, na umibig ang nakamasid kahit pa paglalahong ganap ang kapalit.
Ang ikalawang gantimpala naman ay nakuha ni Fernando Chavez sa kanyang koleksiyon na pinamagatang Tawong-lipod sa Likod.
Nalilibot at napapalooban ng hiwaga ang mga tula sa koleksiyon.
Ang mga pangalan ng ‘di nakikitang nilalang ay talinghaga sa talinghaga, nakalantad at karaniwan ngunit lingid pa rin sa mata, “nakasampay sa tainga, nakaupo sa balikat” at nangungutkot ng budhi at malay.
Nagdaragdag sa haraya ng Filipino ang magilas na wika, tungo sa pagkilala sa kagila-gilalas.
MANINGNING MICLAT
Sinimulan ang Maningning Miclat Art Foundation, Inc. (MMAFI) noong 2001 bilang karangalan kay Maningning Miclat na isang trilingual poet, awarded visual artist, writer, teacher at translator.
Bilang BA Fine Arts student sa UP Diliman, nagwagi ito ng Grand Prize sa non-representational category of the Art Association of the Philippines’ Art Competition noong 1992.
Taong 1987 sa edad na 15 ay nag-sold out ang kanyang solo art exhibit sa Cultural Center of the Philippines.
Sa kaparehong taon ay inilabas niya ang kanyang 1st book of poetry in Chinese, Wo De Shi (My Poems).
Ang makulay na buhay ni Maningning Miclat ay natuldukan nang sumakabilang buhay ito noong September 29, 2000, sa mismong taon kung kailan niya ipinagdiriwang ang kanyang trilingual book of poetry, na pinamagatang Voice from the Underworld: A Book of Verses.
At upang manatiling buhay ang legasiya nito, patuloy na isinasagawa ang Maningning Awards simula noong 2003. Ito ay para ma-encourage ang pagiging malikhain at masuportahan ang sumisibol na poets at artists.
Ang painting competitions ay ginagawa tuwing even-numbered years samantalang ang poetry competitions sa Filipino, English at Chinese languages naman ay nagaganap tuwing odd-numbered years.
Comments are closed.