GINAWARAN ng Department of Local Government Region 2 (DILG) ang kanilang local government unit (LGU) ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance (SGLG) award sa national level na ginanap sa Malacañang .
Ayon kay Ruperto Maribbay, director ng DILG Region 2 kung saan ang naging pangunahing nabigyan ng plaque at incentive ang mga Hall of Fame sa SGLG national na kinabibilangan ng lalawigan ng Isabela at Quirino sa provincial level.
Kabilang sa ginawaran ng award na consistent passer ng SGLG ang bayan ng San Mateo, Isabela, na mismong si punong bayan ang tumanggap ng award, Villa Verde, Nueva Vizcaya, Saguday, Quirino, at Sanchez Mira sa Cagayan, sa municipal level habang ang Santiago City, Cuayan City, sa City level.
Samantala, ginawaran din ang 43 na LGU at siyudad sa buong rehiyon na nakapasa sa SGLG ngayong taon, ang bayan ng Allacapan, Camalaniugan, Buguey, Gattaran, Gonzaga, Iguig, Lallo, Sanchez Mira, Solana, Sta. Teresita, at Tuguegarao City mula sa lalawigan ng Cagayan.
Bukod dito, marami pang kategorya ang iginawad ng ahensiya sa mga LGU na nakapasa sa ebalwasyon kaugnay sa kanilang maayos at magandang pagpapatupad sa kanilang mga tungkulin at pagbibigay ng pinakamahusay na serbisyo.
Ang nasabing SGLG award ang isa sa pinakamataas na pagkilala na ibinibigay ng DILG sa isang LGU na nagpakita ng magandang pamamalakad at epektibong pagbibigay ng mga serbisyong panglipunan, gayundin para sa pagsunod sa transparency, accountability at responsiveness sa pamamahala. IRENE GONZALES
Comments are closed.