HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang gobyerno na gamitin na lamang sa pagtulong sa mga apektadong indibiduwal sa pagsabog ng Bulkang Taal ang mga hindi pa nagamit na pondo sa 2019 budget.
Ayon kay Angara, chairman ng Senate Finance Committee, napag-alamang mayroon pang unutilized funds sa ilalim ng 2020 Budget na nagkakahalaga ng P700 bilyon.
Aniya, sakali umanong maideklara ito bilang government savings, posible itong hugutin ng gobyerno para sa relief efforts sa mga apektadong lugar sa Southern Luzon at mga darating pang sakuna.
Maliban pa rito, mayroon pa rin umanong nasa P7 billion ang pondong hindi ginagalaw na unang inalaan sa 2019 budget bilang calamity funds. VICKY CERVALES
Comments are closed.