SORSOGON CITY – Simula na ang mainit na labanan sa 2020 Ronda Pilipinas ngayong Linggo, tampok ang mga kilalang siklista, kabilang sina dating tour champion at Hawaii Invitational winner Mark John Lexer Galedo at fellow Asian Gamer Ronald Ornaza at dating mountain king El Joshua Carino.
Ang dalawang linggong cycling competition ay babagtas sa Southern at Northern Luzon.
Ang first stage mass start na may distansiyang 129.5 kilometers ay mag-uumpisa at magtatapos sa Provincial Capitol kung saan inasahang si dating Senador at ngayo’y Governor Francis ‘Chiz’ Escudero ang magpapaputok ng starting gun.
Inaasahang panonoorin ni two-time tour champion at Sorsogon native Renato Dolosa ang karera para bigyan ng moral support ang kanyang mga kababayang siklista na lalahok sa taunang cycling event.
May 88 riders mula sa 11 teams ang kalahok sa cycling race na may basbas ng Switzerland-based International Cycling Union at inorganisa ni cycling benefactor at LBC owner Dino Araneta.
“The main reason I put up Ronda Pilipinas precisely is to promote and popularize cycling and give our cyclists the opportunity to showcase their in-nate talent,” sabi ni Araneta.
“I will saturate every nook of the country where there is LBC and tap young promising talents in the countryside,” dagdag pa niya.
Inaasahang magiging kapana-panabik ang karera tulad sa mga nagdaang edisyon dahil lahat ng mga sikat na siklista ay lalahok, kasama ang mga sumabak sa 30th Southeast Asian Games na ginanap sa bansa.
Tatahakin ng mga rider ang apat na lalawigan sa Bicol Region, kasama ang Albay, Camarines Sur at Camarines Norte bago bagtasin ang Northern Luzon patungo sa Baguio via treacherous zigzag Kennon Road.
“The race is expected to be exciting and interesting to watch and this is the rare opportunity for the Bicolanos to personally witness the country’s prominent riders match speed and stamina for two weeks,” ani race director Mo Chulani.
Ang unang limang taon ng Ronda Pilipinas ay umabot ng isang buwan kung saan nilibot nito ang lahat ng mga bayan at lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao. CLYDE MARIANO
Comments are closed.