MATAPOS na ipatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law noong 2018, isusunod na ring ipatutupad ang TRAIN 2 o ang Tax Reform for Attracting Better and Highly Quality Opportunities (TRABAHO) na inaprubahan sa Kongreso at ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ay inaasahang makalilikom ng malaking buwis sa papasok na taon.
Layunin ng TRABAHO bill na maibaba ang corporate income tax rate at ma-rationalize ang corporate incentives na pabor sa mga negosyante o mangangalakal.
Kumpiyansa si Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na tataas din ang koleksiyon ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay sa excise tax sa 2021, gayundin sa sugar-sweetened beverages sa unang 10 buwan ng papasok na taon.
Sa kabila ng pinsalang idinulot ng COVID-19 ngayong taon na nagresulta ng bahagyang ‘shortfall’ sa tax collections ng BIR at Bureau of Customs (BOC), nakabawi naman agad ang dalawang ahensiya at nahabol ang tinamong ‘shortfall’ sa buwis.
Sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinibak sa puwesto nina Commissioner Dulay at BOC Chief Rey Guerrero ang mga corrupt sa kanilang mga ahensiya at ang iba ay kinasuhan sa korte.
Magpapatuloy pa rin ang sibakan sa BIR at BOC, gayundin ang reshuffle ng mga key officialsa layuning mapalakas ang koleksiyon sa buwis at makuha ang iniatang sa kanilang tax collection goal sa taong 2021.
Sa isang statement, sinabi ng DOF na ang excise tax collections mula Enero hangang Oktubre noong nakaraang taon ay umabot sa P29.92 bilyon. Sa nasabing halaga, P29.74 billion ay mula sa BIR’s Large Taxpayers’ Service, habang ang P184.4 million naman ay para sa iba pang uri ng buwis.
Ang excise tax sa mga inumin (drinks) ay nilalaman ng Republic Act 10963 o TRAIN law na nilagdaan ni Pangulong Digong taong 2017 at ipinatupad taong 2018.
Bagama’t may initial revamp na isinasagawa sa BIR at BOC, nakikita ng mga DOF official na hindi sapat ang basta balasahin lamang ang mga ito.
Ang nais ng DOF sa rekomendasyon nito kay Pangulong Duterte, ayon sa source, ay ang i-purge from top to bottom ang mga opisyal ng dalawang ahensiya upang magkaroon ng totohanang reporma sa BIR at BOC.
Sa TRAIN law na ipinatupad taong 2019, binigyan ng exemptions sa VAT (value added tax) ang mga gamot sa diabetes, high colesterol at hypertension, alinsunod sa joint administrative order ng DOF, BIR at Food and Drug Administration (FDA) na naaayon sa Section 109 ng National Internal Revenue Tax Code (NIRTC) na siyang nag-amyenda sa TRAIN law.
Kasabay na ipinatupad ngayong taon ang pagpapataw ng karagdagang P2 na excise tax sa kada litro ng gasolina at diesel, gayundin ng karagdagang P1 sa bawat kilogram ng LPG (liquefied petrolium gas) at dagdag na P1 sa kada litro naman ng kerosene.
Asahan din ang implementasyon ng mga nakabimbing bills sa dalawang kapulungan ng Kongreso tulad ng real property valuation and assessment reform (package 2-TRAIN law); HB No. 8645 (package 4 -TRAIN law) na isang proposal tungkol sa passive income and financial intermediary para magkaroon ng tax system sa financial sector fairer at maging episiyente at regionally competitive ang probisyon sa pagsasama ng yearly reduction ng final tax sa stocks on transactions mula sa 0.6 percent para maging 0.1 percent na lamang sa tax rates ng capital gains sa unlisted stocks kapwa ng individuals at corporations upang maging unitary final tax rate na 15 percent.
Ibig sabihin nito, magiging fixed na sa 5 percent mula sa dating 7 percent ang tinatawag na security type ng nature and maturity rate, gayundin ang pagbaba sa percentage rate ng documentary stamps tax rate.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.