2023 EXPENDITURE TARGET NAHIGITAN NG GOBYERNO

NALAMPASAN ng pamahalaan ang expenditure target nito noong 2023, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa ulat ng DBM, ang paggasta ay umabot sa P5.336 trillion, o mas mataas ng 2.1 percent kumpara sa P107.8 billion target ng gobyerno.

Mas mataas din ito ng  3.4 percent sa 2022 expenditure.

Ayon sa DBM, ito’y dahil gumasta ng mas malaki ang pamahalaan sa infrastructure and other capital outlays.

“The expansion in infrastructure and other capital outlays was due to the robust performance of the Department of Public Works and Highways (DPWH) and the Department of Transportation (DOTr) in accelerating the program implementation and fund mobilization in the last two quarters of 2023,” ayon sa DBM.

Ang mas mataas na infrastructure spending ay dahil din sa direct payments na isinagawa ng development partners para sa foreign-assisted rail transport projects ng DOTr.

Bukod dito ay tumaas ang paggasta para sa kasalukuyang operating expenditures, tulad ng Personnel Services and Maintenance and Other Operating Expenses, sa likod ng catch-up spending ng major social departments.

Samantala, bumaba ang subsidiya sa government corporations ng P36.9 billion o 18.4 percent.

Ayon sa DBM, ang pagbaba ay dahil sa calibrated releases ng mga subsidiya sa Philippine Health Insurance Corp., isinasaalang-alang ang paborableng financial position at  substantial cash holdings nito.