PUNTIRYA ni newly crowned US Open juniors champion Alex Eala na katawanin ang bansa sa 2024 Summer Olympics sa Paris.
“If my ranking allows it, it’s definitely one of my goals,” wika ni Eala.
“I talk a lot about representing the country and it’s one of the biggest stages to do that. So definitely one of my goals.”
Malaki ang iniangat ng 17-anyos sa International Tennis Federation (ITF) world junior rankings kasunod ng kanyang makasaysayang panalo sa US Open.
Mula No. 167, ang Filipina tennis pride ay umakyat sa No. 35 makaraang makalikom ng 1,106.75 points sa world junior list.
Bilang pro, si Eala ay kasalukuyang No. 297 sa WTA rankings.
Interesado rin si Eala na maglaro sa Southeast Asian Games, kung saan nagwagi siya ng bronze sa Vietnam.
“There hasn’t been any talk yet about SEA Games so far… But I’m definitely open to join the SEA Games again. I think I have good chances of getting better results,” ani Eala.