2025 BAGONG BAHAY

Maganda man o hindi ang naging takbo ng buhay mo nitong Year of the Dragon, tapos na yon. Welcome 2025!

Sabi nga ni Confucius, “Today is the first day of the rest of your life.” Itapon ang mga extra baggage na nakasisira o makasasagabal sa hinaharap, at tumayo ng may ngiti, dahil isa na naman itong taon ng pakikipagsapalaran.

Ganyan talaga ang buhay — bawat araw ay pakikipagsapalaran. Kaya bilang isang wanderer, dapat, lagi tayong handa. At para maging handa, mag-set tayo ng mga goals na achievable.

Ang goals ay yung gusto mong mangyari within a specific time frame. Kapag meron ka kasing goals, nagkakaroon ka ng dahilan para magbago at mag-improve. Nagkakaroon ka ng satisfaction kapag nakuha mo ito, at pakiramdam mo, may direksyon ang iyong buhay.

Dapat din, meron kang tinatawag na reputation management. Ito yung naiimpluwensyahan mo ang iba sa kanilang perceptions at public conversations.

Make connections. Intindihin ang proseso ng pakikipag-usap at pagkakaroon ng kaalaman at karanasan — meaning, matuto kang mag-enjoy kasama ang mga taong hindi mo masyadong friends. Malay mo, maging friends na kayo this year.

Get more involved din. Kung dati, bihira kang mangapitbahay, dalasan mo ngayon. Everyone has a story to tell. Pero ingat ka — wag maging Marites, hane?

Isa pa nga pala, don’t stop learning. Mag-acquire ka ng bagong skill. Halimbawa, mag-aral lang mag-bake ng cake. It’s never too late!

Syanga pala, kaila­ngang malinaw ang mga priorities mo. Meaning, may sequence ang lahat dahil may deep alignment ang lahat. Alin ang unang gagawin? Alin ang isusunod? Bakit?

Ngunit higit sa lahat, matutong magpasalamat sa Diyos. Tandaan mo, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon. Minsan, gusto mo, pero iba pala ang plano ng Diyos sa’yo kaya nabubulilyaso ang itong mga plano.

Nenet Villafania