UMABOT sa 2,088 katao ang inaresto ng pulisya dahil sa pagsuway sa pagpapatupad ng 24-hour curfew sa Pasay City upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, sinimulan ang implementasyon ng 24-hour curfew ng mga Police Community Precincts (PCP) sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa pamamagitan ng pagsita at pag-aresto sa mga matitigas ang ulong mga residente bandang alas 11:00 ng gabi noong Sabado.
Sa talaan ng lokal na pulisya, idinetalye ni Olivarez ang bilang ng mga naaresto ng 7 PCP kung saan sa Barangay Baclaran na sumasakop sa PCP-1 ay nakapagtala ng 266; PCP-2 na may 176; 109 sa PCP-3; PCP-4 na may 522; PCP-5 na may 526; 600 sa PCP-6 and sa PCP-7 naman ay may 229 na pasaway na mga residente.
Nauna dito, iniutos na ni Olivarez ang paagbibigay ng mga tig-isang home quarantine pass sa bawat pamilya na maari lamang gamitin ng isang miyembro ng pamilya upang makalabas ng bahay at bumili ng kanilang mga esensyal na pangangailangan tulad ng gamot at pagkain.
Sinabi ni Olivarez upang malaman ng mga mamamayan na hindi nagbibiro ang pulisya ng lungsod sa pagpapatupad ng 24-hour curfew naka-post ito sa Facebook page ng lokal na para na rin maipakita sa mga residente ang bilang ng mga naaresto at gaano kaseryoso ang lungsod sa naturang cur-few.
Dagdag pa ni Olivarez, patuloy ang pagbibigay ng mga relief packs sa pamamagitan ng pagpunta sa mga tahan ng mga residente upang hindi na sila lumabas pa ng kanilang bahay.
Sa panig naman ni Mar Jimenez, hepe ng Public Information Office (PIO), umaasa siya na ang pagpo-post ng bilang ng mga inaresto na sumuway sa 24-hour curfew sa lungsod ay maging isang babala lalo na sa mga tinatawag niyang mga ‘millennials na nangungunang lumalabag sa naturang CURFEW. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.