NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 20,472 na bagong gumaling mula sa coronavirus disease 19 (COVID-19) hanggang nitong Linggo ng hapon.
Dahil dito pumalo na ngayon sa mahigit 207,568 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa COVID-19 sa bansa hanggang alas-4 ng hapon.
Batay sa case bulletin na inisyu ng DOH, umakyat na rin naman sa 261,216 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala pa ng 3,372 mga bagong kaso virus infection.
Karamihan sa mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,307 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 240 new cases, Laguna na may 207 new cases, Negros Occidental na may 199 new cases at Bulacan na may 145 new cases.
Samantala, may 79 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa bilang na ito 57 ay nasawi ngayong Setyembre, 14 noong Agosto, anim noong Hulyo, isa noong Hunyo, at isa noong Marso.
Sa ngayon, pumalo na sa 4, 371 kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
May 19 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 na kanilang nai-report kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.