21 SUNDALO NA IDINEPLOY SA CEBU NAHAWA SA COVID-19

Cenon Pancito

DALAWAMPU’T ISANG sundalo na idineploy sa Cebu para tumulong sa ipinatutupad na community quarantine ang nahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay 3rd Infantry Division Spokesperson Major Cenon Pancito III, pito sa 21 na nagpositibo sa coronavirus ay nakakaranas ng sintomas o symptomatic habang 14 ang asymptomatic.

Sinabi ni Pancito, Abril nang magpadala sila ng 41 sundalo sa Cebu para tumulong sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Hunyo 23 naman nang  i-recall o pull out ang mga sundalo sa Cebu at dinala sa isang isolation area sa Kabangkalan, Negros Occidental.

Ngunit makalipas ang ilang araw pito sa 41 mga sundalo ay nakaranas ng sintomas ng COVID-19 kaya agad isinailalim ang mga ito sa swab test at  noong Hulyo 3 natukoy na positibo sa virus ang pito.

Dahil dito isinailaim na rin sa COVID-19 swab test ang 34 pang mga sundalo at noong Hulyo 8 lumabas ang resulta at 14 sa mga ito ang kumpirmadong nahawa ng CO­­V­ID-19.

Habang negatibo ang 20 sundalo na ngayon ay isinasailaim sa 14 days quarantine bago muling isalang sa COVID-19 swab test para masigurong clear sa sakit.

Sa kasalukuyan, nanatili ang 21 mga sundalo na positibo sa virus sa isang health facility ng Negros Occidental at mga medical staff ng Negros Occidental Provincial Health office ang nagmo-monitor sa kanilang kalagayan. REA SARMIENTO

Comments are closed.