BULACAN-Umabot sa dalawamput-dalawang katao kabilang ang labing-limang drug suspects ang nadakip ng Bulacan PNP sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU) habang pito pa ang nadakip sa ibat-ibang kasong kriminal sa lalawigang ito kamakalawa.
Base sa isinumiteng report sa Bulacan Police Provincial Office(BPPO),nakakulong ang 15 drug suspects na nadakip sa mga bayan ng Bocaue,Marilao,Meycauayan City,Angat,Malolos City at San Jose del Monte City na umabot sa 45 pakete ng shabu ang narekober bukod pa sa buy-bust money.
Limang suspek naman ang nadakip ng Bulacan police katuwang ang mga barangay tanod sa ibat-ibang crime incident na nangyari sa bayan ng Balagtas,Guiginto,Marilao at Norzagaray dahil sa mga kasong Robbery,Act of Lasciviousness, shoplifting at Anti-Fencing Law o paglabag sa RA 1612.
At dalawa pang wanted person ang nakorner ng awtoridad sa magkahiwalay na manhunt operation na isinagawa ng tracker team ng Norzagaray at San Jose del Monte City na mas pinaigting ngayon ng Bulacan PNP ang kampanya laban sa ibat-ibang uri ng kriminalidad partikular ang kampanya laban sa droga. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.