22 LAW BREAKERS TIMBOG SA BULACAN POLICE OPS

nadakip

BULACAN-Dalawamput-dalawang law breakers kabilang ang apat na drug pusher ang nadakip ng Bulacan Provincial Intelligence Unit(PIU) sa Barangay Tuktukan,Guiguinto sa pinaigting na police anti-drug at crime operations sa lalawigang ito ka­makalawa ng gabi.

Base sa report kay P/Col.Lawrence Cajipe,apat na drug suspect na kinabibilangan ng isang lady pusher ang nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng Bulacan PIU sa overall supervision ni P/Major Jansky Andrew Jaafar sa Patubig Road,sakop ng Barangay Tuktukan,Guiguinto.

Ayon sa mga arresting officer na sina P/Cpl.Jay Macaraeg at P/Cpl.Resty Delima, dakong alas-8:00 ng gabi nang ilatag ang buy-bust operation sa apat na suspek sa inuupahang apartment sa Barangay Tuktukan at hindi na nakapalag ang mga target at marekober sa kanila ang 19 pakete ng shabu na tinatayang may timbang na walong gramo na nagkakahalaga ng P54,000 bukod pa sa buy-bust money.

Samantala,dalawa pa rin drug suspek ang nadakip sa magkahiwalay na anti-drugs operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU)sa Barangay Poblacion, Guiguinto at Barangay Talampas,Bustos at dalawang rider din sa Barangay Paradise III,San Jose del Monte City ang natiklo ng nagpapatrolyang pulisya habang lulan ng dalawang skeletal type motorcycle at marekober sa mga suspek ang kabuuang pitong pakete ng shabu at buy-bust money.

Anim namang wanted person ang nadakip sa magkakahiwalay na manhunt operation ng tracker team sa Meycauayan at Hagonoy katuwang ang Bulacan CIDG at ang mga nasakote ay mayroong mga kasong child abuse,malicious mischief, trespassing to dwelling,simple disobedience at qualified theft.

Nadakip din ang dalawa pasaway na sugarol  sa Barangay Poblacion,Bustos sa aktong nagpupustahan sa spider games at anim pang katao ang nasakote sa police response sa mga bayan ng Bocaue,Plaridel at San Jose del Monte City. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.