22 NEGOSYANTE PINAYAGANG MAGBENTA NG PAPUTOK

paputok-2

NAGHAHANDA na ang ilan sa negosyante ng lungsod na nagnanais magbenta ng paputok ngayong panahon ng Kapaskuhan sa Cauayan City, Isabela.

Ayon kay Asst. Deputy Head Helen Grace Argonza ng Business Permits and Licensing Division Office, umabot na sa 22  mga negosyante ang kumuha ng permit para magbenta ng paputok.

Maaari pang madagdagan ang nasabing bilang hangga’t wala pa silang go signal na magbenta sa naitalagang lugar para sa kanila.

Samantala, ayon naman kay Fire Chief Insp. Gay Galisem,  fire marshal ng BFP-Cauayan City, may ilan na silang napirmahang permit ng mga fireworks vendor.

Ipinasigurado ng tanggapan ang kanilang pagsasagawa ng inspection sa lugar na mailalaan para sa mga fireworks vendor para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

Hinihintay  pa kung kailan magsisimula at kung ilang araw ang mailalaan para makapagbenta ng pa­putok. REY VELASCO.

Comments are closed.