Nagdeploy na ang militar ng 22 trak at 2 bus para magsakay ng mga stranded Health workers simula kagabi.
Ayon kay Phil Army Spokesperson Col. Ramon Zagala, ginawa nila ito batay sa kautusan ni AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos kay Phil. Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay.
Kaya agad nagpadala ang Phil. Army ng 18 trak para bumiyahe mula Mall of Asia sa Pasay hanggang Santolan-EDSA.
Ayon kay Zagala, magiging araw-araw na ang biyahe ng mga trak sa naturang rota, na exclusibo para lamang sa mga Health workers.
Kailangan lang aniya nilang ipakita ang kanilang mga ID para sa libreng sakay.
Sinabi naman ni Acting AFP Spokesperson Mgen. Ernesto Torres na ang AFP General Headquarters ay magdedeploy naman ng 4 na trak at 2 bus para bumiyahe mula Santolan hanggang Balintawak at pabalik simula din kagabi.
Aniya bahagi naman ito ng mga hakbang ng the Inter-agency TF for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF MEID) para maibsan ang abala sa mga health workers na walang masakyan sa ipinatutupad na enhanced community quarantine. REA SARMIENTO
Comments are closed.