NAITALA ang 22,014 na bagong gumaling pa sa coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes (Enero 27), umakyat na sa 3,213,190 o 92.0 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Unti-unti naman ang pagbaba ng napapaulat na bagong kaso ng COVID-19 dahil bumaba ito sa 18,191.
Dahil dito ay pumalo na sa 3,493,447 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 226,521 o 6.5 porsiyento ang aktibong kaso.