22K MINORS NABAKUNAHAN NA

UMABOT sa 22,112 estudyante na mga residente at hindi residente ng Taguig na nag-aaral sa iba’t-ibang eskwelahan sa lungsod ang mga nabakunahan na kabataan na nasa edad 12 hanggang 17.

Ayon sa report ng Taguig Vaccination Task Force, sinimulan ng lokal na pamahalaan ang pagbabakuna sa mga kabataan noong Oktubre 25 at makaraan ang halos tatlong linggo noong Nobyembre 18 ay naitala ang kabuuang 23,598 ang nabakunahang kabataan kabilang na dito ang 1,486 na nakatanggap na din ng ikalawang dose ng bakuna o mga fully vaccinated na.

Dalawang ospital naman sa lungsod na kinabibilangan ng Medical Center Taguig at St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City ang nagsilbing vaccination sites para sa mga menor de edad na may comorbidities sa ilalim ng klasipikasyon ng Pediatric A3 group.

Ang mga wala naman comorbidities ay pinagkalooban ng bakuna sa mga vaccination sites sa Lakeshore

Mega Vaccination Hub, Bonifacio High Street Mega Vaccination Hub, RP Cruz Elementary School at Western Bicutan National High School.

Ayon sa 2015 Census of the Philippine Statistics Authority (PSA), ang Taguig ay mayroong 86,972 kabataan na nasa 12 hanggang 17 taong gulang.

Ang mga requirements para sa baksinasyon ng mga menor de edad sa lungsod ay ang TRACE QR code, valid ID, proof of residence (para sa residnete), proof of enrollment (para sa hindi residente na nag-aaral sa Taguiog) at medical certificate (sa mga may comorbidities).

Ang mga magulang o guardian ay kailangang may dalang valid ID, proof of filiation (birth certificate, special power of attorney (SPA) o school ID na ma pangalan ng bata at magulang o guardian.

Matatandaan na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga bakunang Pfizer-BioNTech at Moderna vaccines ang gagamitin para sa pagtuturok sa mga nasa 12 taong gulang pataas. MARIVIC FERNANDEZ