UMABOT sa 233 frontliners sa Valenzuela City ang positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa post ng Valenzuela City LGU, bandang ala-1:30 ng hapon ng Hulyo 8, sumampa sa 109 ang miyembro ng Barangay Council at mga empleyado nito ang positibo sa COVID-19 alinsunod sa swab samples na kinuha mula sa frontliners.
Samantala, 72 barangay health workers naman at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang kumpirmadong may COVID-19; 36 sa pulisya; Bureau of Fire Protection, 10; City Emergency Hospital staff, 3; People’s Park staff, 2; at Disaster Risk Reduction and Management Office, 1.
Sa kabuuan ay umabot na sa 870 ang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod at 356 dito ang gumaling na habang nananatiling may sakit ang 486 at nasa 28 naman ang nasawi. VICK TANES
Comments are closed.