23,395 DRUG PERSONALITIES NALAMBAT SA DRUG OPERATIONS

UMAABOT sa 23,395 drug personalities na ang nasakote ng Philippine National Police (PNP) mula noong Disyembre 31, 2022 hanggang Mayo 19, 2023.Ang nasabing bilang ng drug offenders ay nadakip mula sa 17,668 ikinasang operasyon ng PNP laban sa ipinagbabawal na gamot sa loob ng limang buwan kung saan tinatayang nasa P5.76 bilyong halaga ng shabu ang nasabat.

Kaya naniniwala si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na napagtatagumpayan ng gobyerno ang giyera kontra droga at maging ang ginagawang paglilinis sa buong organisasyon sa mga tiwaling pulis.

Tiniyak pa ni Acorda na mabibigyang gantimpala ang mga pulis na mahusay sa kanilang trabaho habang mapaparusahan naman ang mga pulis na dawit sa anumang uri ng katiwalian.

Pahayag ito kasunod ng resulta ng survey ng OCTA Research Team kung saan lumalabas na mataas ang trust at satisfaction ratings ng PNP base sa resulta ng “Tugon ng masa” survey kung saan nakamit ng pambansang pulisya ang 80% trust at satisfaction rating sa unang bahagi ng taong 2023.

Ayon kay Acorda, ang resultang ito ay nagpapatotoo lamang na marami pa rin sa ating mga kababayan ang naniniwalang tinatahak ng pambang kapulisan ang tamang direksyon ng gobyerno sa pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos. VERLIN RUIZ