23K NA TOTAL RECOVERIES SA COVID-19

covid

PUMALO na sa mahigit 23,000 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa case bulletin 128 na inilabas ng Department of Health (DOH), nakapagtala pa sila ng 607 pasyenteng nakarekober mula sa virus sanhi upang umabot na sa 23,072 ang COVID-19 recoveries sa bansa.

Samantala, hanggang 4PM ng Hulyo 20 ay na­dagdagan pa ng 1,521 ang mga COVID-19 infections na naitala nila sa Pilipinas, sanhi umabot na ito ngayon sa kabuuang 68,989.

“As of 4PM today, July 20, 2020, the Department of Health reports the total number of CO­VID-19 cases at 68,898,” anang DOH.  “A total of 1,521 confirmed  cases are reported  based on the total tests done by 62 out of 84 current operational labs.”

Sa mga kumpirmadong kaso, 43,991 ang aktibo, at 90.6% ng mga ito ay mild cases lamang, 8.5% naman ang asymptomatic, 0.4% ang malala ang lagay, habang 0.5% ang nasa kritikal na kondisyon.

Ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamara­ming kaso na nasa 1,237, kasunod ang Cavite at Laguna na may tig-51 kaso, Rizal province na may 34 na kaso at Davao del Sur na may 22 kaso.

Mayroon rin naman umanong apat na namatay sa sakit at ang mga ito ay pawang naitala nitong Hulyo 2020.

Ang dalawa sa mga namatay ay mula sa Region 7; isa naman ang mula sa  NCR at isa ay mulasa Region 11.

Sa kabuuan, mayroon nang 1,835 COVID-19 death toll na naitatala sa Filipinas. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.