DAHIL sa pagsirit ng kaso ng COVID-19, epektibo ngayong araw, Hulyo 4, nagpatupad ng 24 oras na curfew sa Southville 3, Brgy. Poblacion sa Muntinlupa City.
Nangangahulugan na hindi lalabas ang mga residente sa nasabing lugar buong araw.
Sa bisa ng resolusyon, inaprubahan ni Chairman Allen Ampaya ng Brgy. Poblacion, para maipatupad ang 24-hour curfew sa Southville 3, NHA mula Hulyo 4 hanggang Hulyo 17, 2020.
Batay sa huling datos, nakapagtala na ng 27 kaso ng COVID-19 sa Southville 3.
Sa pag-iral ng 24 oras na curfew walang residenteng papayagang lumabas ng bahay.
Exempted naman sa curfew kung emergency cases, ang mga bibili ng essential goods at gamot na may quarantine pass, ang mga nagtatrabaho sa mga industriya na pinapayagan nang mag-operate, at ang iba pang authorized person outside residence (APOR).
Comments are closed.