NAKIKITANG solusyon ng Malakanyang ang pagpapatupad ng 24-hour work day upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung gagawing 24 oras ang operasyon ng iba’t ibang industriya sa Metro Manila ay mababawasan ang dami ng mga commuter.
Kung hahatiin, aniya, ang operasyon ng mga institusyon tulad ng bangko, eskuwelahan at iba pang establisimiyento sa night shift at day shift ay mababasawan ang bugso ng mga commuter sa EDSA at luluwag ang daloy ng trapiko.
Kaugnay nito, nanawagan si Panelo sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang Metropolitan Development Authority (MMDA) na ipatupad ang pagbabawal sa mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.
“Let’s give them a chance…just like what I said, they are experimenting. Let’s see what will be the outcome, and then later let’s take the next step,” wika ni Panelo.
Ayon sa kalihim, matagal nang panahon ang malalang trapik sa EDSA na bigo rin namang maresolba ng mga nagdaang admin-istrasyon kung kaya mas makabubuting tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng suhestiyon kung paano makatutulong ang pub-liko.
“If you have good suggestions and those listening to us, please provide us, the MMDA in order to help (them),” sabi ni Panelo.
Ang mga suhestiyon ay maaaring ipadala nang direkta sa MMDA o ‘di kaya ay mismong sa Office of the President, ayon pa kay Panelo. EVELYN QUIROZ, DWIZ 882
Comments are closed.