UMAKYAT na sa 24 na Pinoy ang naitalang sugatan matapos ang malakas na pagsabog sa port of Beirut sa Lebanon.
Ito ang kinumpirma ni Chargé de affair Ajeet Panemanglor ng Philippine Embassy sa Lebanon.
Sa naturang bilang kasama na umano rito ang sampung Pinoy seaferers na dating nawala habang patuloy pa rin na pinaghahanap ang isa pa sa kanilang kasamahan.
Kinontak na rin umano nila lahat ng mga naapektuhan Pinoy sa nangyaring pagsabog sa Beirut at maging sa mga kamag anak ng mga biktima ay ipinagbigay-alam na rin ang kalagayan ng mga ito.
Bagaman sarado pa umano ang mga tanggapan ng gobyerno sa Lebanon inihahanda na rin ng Phiippine Embassy ang kinakailangan dokumento para maiuwi ang labi ng dalawang OFWs na nasawi sa nangyaring pagsabog sa lalong madaling panahon.
Wala na rin umanong dapat alalahanin ang pamilya ng mga biktima dahil sasagutin ng gobyerno ang gastusin sa pagpapauwi sa mga labi ng dalawang biktimang OFWs.
Sa huling datos ng Philippine Embassy nasa 33,000 umano ang bilang ng mga OFW sa Lebanon at karamihan sa kanila ay mga babae na nagtatrabaho bilang mga household service workers. LIZA SORIANO
Comments are closed.