CAGAYAN – UMABOT sa 24 pulis kabilang ang hepe at 32 preso sa Tuguegarao City Police Station ang nagpositibo sa COVID-19 kahapon.
Batay sa ulat ni Dr. Carlos Cortina ng provincial health Office, unang nagpositibo sa virus ang 19 detainees matapos sumailalim sa swabbing sa testing center ng Cagayan Valley Medical Center kung saan nadagdagan pa ng 13 preso na nagka-COVID-19.
Samantala, nasa 24 na pulis ng Tuguegarao City Police Station ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang ang chief of police na si P/Lt. Jonalyn Tecbobolan at deputy nito.
Nabatid na ang 32 detainees ay nahawa umano sa mga pulis na unang nagpositibo sa virus na sa kasalukuyan ay nananatili ang ibang pulis at detainees sa Tuguegarao City PNP building.
Ipinag-utos naman ni PNP Region-2 Regional Director Brig.Gen. Crizaldo Obispo Nieves na magtalaga ng 63 na mga kagawad ng Basic International Security Operation Course (BISOC) kabilang ang 15 babae at 48 na lalaki mula sa bayan ng Enrile, Solana, Penablanca, Iguig at sa lungsod ng Tugegarao. IRENE GONZALEZ
Comments are closed.