MAAGANG ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Makati ang taunang distribusyon ng ‘Pasmaskong Handog’ Christmas bags para sa mga residente ng lungsod.
Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na nitong nakaraang Nobyembre 2 ay sinimulan ng lokal na pamahalaan ang pamimigay ng mga Christmas gift bags na base sa ulat ng Makati Action Center (MAC) nitong Nobyembre 8 ay umabot na sa 6,298 Christmas gift bags ang naipagkaloob sa mga senior citizens na nauna ng pinagkalooban ng kanilang mga Pamaskong Handog tickets.
Sinabi ni Binay na ang maagang distribusyon ng ‘Pamaskong Handog’ bags ay bahagi ng kompromiso ng lungsod upang masiguro na ang Makatizens ay magiging masaya sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa taong ito.
“We usually distribute the Pamaskong Handog bags during the first week of December. These bags that contain assorted food products for Noche Buena have become a much-anticipated tradition for Proud Makatizens,” ani Binay.
Ayon kay Binay, mas pinaaga ng lokal na pamahalaan ang distribusyon ng gift bags para hindi na masyadong mag-intindi pa ang bawat pamilya sas selebrasyon ng darating na Pasko.
Aabot sa 240,000 Makatizens ang makatatanggap ng libreng Christmas bags kabilang na dito ang 105,000 residents; 84,000 senior citizens; 12,000 differently-abled persons; 4,500 miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); 3,000 relocatees; 11,000 City Hall employees; 5,400 barangay employees; 3,300 DepEd-Makati public school teachers; 750 Makati police officers; 7,300 pedicab, tricycle at jeepney drivers pati na rin ang 1,300 vendors.
Bukod pa sa Pamaskong Kubol sa City Hall quadrangle, namahagi na rin ang lokal na pamahalaan ng ‘Pamaskong Handog’ tickets at gift bags sa MAC satellite offices ng mga barangay sa lungsod kung saan ang pagsasagawa ng distribution ng Christmas bags ay magtatagal ng hanggang Disyembre 31 na lamang ng taong ito.
Ang bawat Christmas bags ay naglalaman ng 2 lata ng Spam luncheon meat; 2 lata ng Libby’s Vienna sausage; 2 lata ng Argentina corned beef; 1 pack ng spaghetti pasta with sauce; 1 lata ng fruit cocktail; 1 lata ng condensed milk; 1 lata ng cream; 1 box ng keso; at 2 Makatizen t-shirts. MARIVIC FERNANDEZ