(25 positibo sa COVID-19) 2 OPISINA NG CEBU CITY POLICE NI-LOCKDOWN

CCPO

SARADO ang dalawang tanggapan ng Cebu City Police Office (CCPO) sa Camp Sotero Cabahug sa Cebu nang sumampa sa 25 police personnel ang nagpositibo sa Coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Officer-in-charge ng CCPO Col. Cydric Earl Tamayo, nakumpirma ito sa resulta ng isinagawang rapid test sa kaniyang mga tauhan.

Ang dalawang nasabing tanggapan na naka-lockdown ay ang City Director’s Office at ang Operations Division.

Ayon  kay Tamayo, hindi bababa sa 14 na mga personnel sa nabanggit na mga tanggapan ang naka-isolate ngayon sa second floor ng CCPO building.

Dahil dito, hindi muna sila pinapayagang makalabas at makauwi sa kani-kanilang bahay.

Sinimulan na ring isagawa ang contact tracing at agad namang inilagay sa isolation center ang 25 nagpositibo habang ang iba’y naka-home quarantine.

Base sa ulat ng Police Regional Office Region 8 (PRO-8), umabot sa 81 na mga pulis sa lalawigan ng Cebu ang nadapuan ng COVID-19 habang dalawa naman ang namatay dahil sa virus. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.