UMABOT na sa 250 mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nasampahan na ng kaso ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
Sa datos ng IMEG, lumalabas na mula February 2017 hanggang September 11, 2019, 250 na PNP personnel na sangkot sa iba’t ibang ilegal na gawain ang nasampahan na ng kaso.
124 sa mga nasampahan ng kaso ay naaresto na habang ang nalalabing 126 naman ay kasong na-refer nila sa Department of Justice.
Sa mga nasampahan ng kaso, 65 lang ang nasibak sa serbisyo habang ang iba naman ay patuloy pang dinidinig ang kaso.
Maliban sa 250 PNP personnel, umabot naman sa 224 na sibilyan at iba pang miyembro ng law enforcement agencies ang nakasuhan ng IMEG.
Samantala, lumalabas naman sa datos na 67 percent ng mga naarestong pulis ay nasangkot sa robbery extortion, 11 percent ay nasangkot sa kidnapping, 2 o 3 percent ang sangkot sa ilegal na droga at 1 percent naman ang sangkot sa slight physical injury.
Matatandaang pinakamarami sa mga naaresto at nakasuhang pulis ay may ranggong patrolman, corporal at staff sergeant. REA SARMIENTO
Comments are closed.