250K TAGA-MARIKINA BIBIGYAN NG BAKUNA

TINATAYANG nasa 250, 000 na mamamayan ng Lungsod ng Marikina ang handang sumalang sa COVID-19 vaccination sa sandaling dumating na ang bakunang binili ng pamahalaang lungsod.

Kaugnay nito, ipinakita ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang Master List ng mga nagpalista na naglalaman ng profile ng mga residente.

Ani Teodoro, ang lahat na nasa master list ay isinasailalim na pagsusuri ng mga doktor upang malaman kung sila ay maaaring bakunahan, kung nagtataglay ng allergies, kung may sakit at manganganib ang buhay sa COVID-19 vaccine.

Aniya, sa sandaling matukoy ng mga doktor na kaya ng isang residente na magpaturok ng bakuna ay saka lamang isasalang sa vaccination.

Dinagdag din ng Alkalde na mayroon na ring storage sa parating na COVID-19 vaccine ang Marikina kabilang dito ang biothermal packaging system.

” Kapag inilagay mo ang vaccine ang temperature nasa 2 degrees o hanggang 8 degrees lang, tapos pwede tumagal ang bakuna roon maski maiwan dun sa vaccination area maski wala sa refrigerator ng 5 days,” paliwanag ni Teodoro kaugnay sa biothermal packa­ging system. ELMA MORALES

Comments are closed.