LIBO-LIBONG naghahanap ng trabaho ang dumagsa sa isang job caravan na idinaos sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Gym kahapon.
Tinatayang 25,000 trabaho ang inaalok sa job fair para sa construction project ng gobyerno sa ilalim ng programang Build Build Build.
Nagsimula alas-8:00 ng umaga at natapos ng alas-4:00 ng hapon ang job fair at kasama sa mga nagbaka-sakali rito ay ang mga empleyado ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines na natanggal sa trabaho at ang iba pa na nahaharap sa retrenchment matapos na magdeklara ang shipbuilder ng pagkalugi.
Kabilang sa job vacancies ay ang construction workers, welders, carpenters, engineers, at administrative staff.
Ayon naman kay SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma, masaya sila na kasama sa proyekto ang Subic.
“Subic is happy to be part of this project to bring greater positive social impact to our people. We are committed to find every opportunity for the SBMA to make more jobs available and catalyse greater growth in Central Luzon and the rest of the country,” ang pahayag ni Eisma.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na 77 kompanya ang nag-alok ng trabaho para sa lahat ng skilled jobseekers. BENJARDIE REYES
Comments are closed.