274 GINTO KAYA NG PINAS SA SEAG

PSC Chairman William Ramirez-6

TIWALA ang mga opisyal ng national sports associations (NSAs) na kaya ng Fi­lipinas na magwagi ng 274 gold medals sa na­lalapit na 30th Southeast Asian Games, ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“The PSC is not supposed to predict. It is the job of the NSAs but during our NSA executives meeting, 45 of the 56 sports, they commit 274 gold medals,” ani Ramirez.

“That’s their projection. Ako, naniniwala ako roon. A high of those numbers,” dagdag pa ni Ramirez na siya ring chief of mission ng Philippine team sa biennial meet.

Nakopo ng Filipinas ang overall crown na may 113 gold medals nang i-host nito ang SEA Games noong 2005.

Subalit noong 2007 ay bumagsak ang bansa sa sixth place na may 41 gold medals, sa fifth na may 38 noong 2009, sa  sixth na may 37 noong 2011, sa  seventh na may 29 noong 2013, sa  sixth na may 29 noong 2015, at sa sixth spot na may 23 gold medals noong 2017.

Samantala, umaasa ang PSC chief sa top three finish ng bansa sa biennial meet na nakatakda sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“I will not be surprised because we spent more than PHP1 billion for the foreign exposures,” ani Ramirez.

“We at the CDM, our focus are the athletes. Our deputy CDM have been going around, meeting coaches and athletes,” dagdag pa niya.

Ang sunod-sunod na tagumpay ng mga Filipino athlete sa ibang bansa ay magandang senyales, aniya, na mahihigitan ng Filipinas ang sixth place finish sa Kuala Lumpur SEA Games noong 2017.

Ngayong taon, ang bansa ay kakatawanin ng 1,085 athletes at 335 coaches at officials.

May kabuuang 530 gold medals ang nakataya sa 56 sports na paglalabanan.

Bukod sa Filpinas, ang mga miyembro ng SEA Games ay kinabibilangan din ng  Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, East Timor at ­Vietnam.

Comments are closed.