UMAKYAT na sa 106,330 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitatala sa bansa.
Batay sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH), nabatid na hanggang 4:00PM ng Agosto 3, nakapagtala pa ito ng 3,226 na mga bagong kaso virus infection.
Karamihan umano ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region (NCR) na umabot sa 1,541 new cases.
Sinundan naman ito ng Cebu na may 503 new cases, Laguna na may 181 new cases, Rizal na may 158 new cases at Cavite na may 129 new cases.
Ang magandang balita naman, mayroon pang 275 na bagong gumaling sa COVID-19 sanhi upang umabot na ngayon sa 65,821 ang total COVID-19 recoveries sa bansa.
Mayroon din namang 46 na naitalang nasawi dahil sa virus kaya’t umakyat na sa 2,104 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, sa 46 na nasawi, 37 ay namatay ngayong Hulyo, anim naman noong Hunyo, dalawa noong Mayo at isa noong Marso. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.