UMAABOT na ngayon sa halos 275,000 ang bilang ng mga pasyente na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin #208 na inisyu ng Department of Health (DOH), nabatid na nakapagtala pa sila ng karagdagang 697 bagong recover-ies hanggang Huwebes sanhi upang umakyat na ngayon sa 274,318 ang total COVID-19 recoveries sa Filipinas.
Samantala, nabatid na hanggang 4PM ng Oktubre 8 ay nakapagtala pa rin ang DOH ng karagdagan pang 2,363 newly-confirmed cases ng vi-rus, kaya’t umaabot na ngayon sa 331,869 ang total number ng COVID-19 sa bansa.
“As of 4PM today, October 8, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 331,869, after 2,363 newly-confirmed cases were added to the list of COVID-19 patients,” anang DOH. “DOH likewise announces 697 recoveries. This brings the total number of recoveries to 274,318.”
Sa naturang bilang, 51,482 pa ang itinuturing na aktibong kaso; at 9.8% sa mga ito ang asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng vi-rus; 1.4% ang severe cases habang 3.1% naman ang critical cases.
Pinakamarami pa ring naitalang bagong kaso sa National Capital Region (NCR) na nasa 858; Cavite na nasa 309; Batangas na nasa 139; Ri-zal na nasa 112 at Bulacan na nasa 97.
“Note: Of the 2,363 reported cases today, 1,869 (79%) occurred within the recent 14 days (September 25 – October 8, 2020). The top re-gions with cases in the recent two weeks were NCR (734 or 39%), Region 4A (419 or 22%) and Region 3 (159 or 9%),” anang DOH.
Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 144 pasyente pa na namatay sa virus, sanhi upang umabot na sa 6,069 ang total COVID-19 deaths sa bansa.
Sa mga namatay, 47 ang binawian ng buhay ngayong Oktubre; 26 noong Setyembre; 46 noong Agosto; at 25 noong Hulyo.
Ang mga nasawi ay mula sa NCR (96 cases); Region 4A (14); Region 7 (8); Region 3 (7); Region 6 (6); CARAGA (6); Region 11 (2); Re-gion 1 (1); Region 8 (1); Region 10 (1); Region 12 (1); at BARMM (1).
Mayroon namang 131 duplicates na inalis mula sa total case count, kabilang ang 54 na recovered cases.
Mayroon ding 48 kaso na unang iniulat na nakarekober sa sakit, ngunit malaunan ay natuklasang binawian pala ng buhay.
Samantala, inaasahan ng DOH na madaragdagan pa ang naturang datos dahil mayroon pang 20 laboratoryo ang hindi pa nakapagsusumite ng datos COVID-19 Data Repository System (CDRS) hanggang nitong Oktubre 7, 2020. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.