UMAABOT sa 28 milyong estudyante ang magbabalik eskuwela sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong pasukan.
Sa datos ng Department of Education (DepEd), halos tatlong milyong estudyante ang papasok sa kindergarten, 13.8 milyon sa elementarya (Grades 1-6), 8.1 milyon sa Junior High School (Grades 7-10) at 2.8 milyon para sa Senior High School (Grades 11-12).
Magbubukas ang klase sa lahat ng public schools sa Hunyo 4.
Ang mga pribadong eskuwelahan ay maaaring magsimula ng klase sa ikalawang linggo ng Hunyo at hindi naman lalagpas sa huling araw ng Agosto. ELMA MORALES GUIDO
Comments are closed.