ANG DTI Bureau of Domestic Trade Promotion (BDTP) sa pakikipagtuwang sa DTI Regional and Provincial Offices ay magdaraos ng 2020 National Food Fair sa Marso 12-15 sa SM Megatrade Halls 1-3, 5th level, Building B, SM Megamall, Mandaluyong City.
Tinawag itong Philippine Cuisine and Ingredients Show, itatampok sa apat na araw na event ang 280 food entrepreneurs mula sa mga rehiyon. Matutunghayan dito ang processed food, halal products, mga inumin, cooking ingredients, health and wellness products, maging ang best cuisines sa bansa.
Magtatayo ang Department of Trade and Industry ng one-stop Negosyo Center na magbibigay ng tulong sa business requirements at mga mag-sisimulang magnegosyo.
Dadalo rin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang kagawaran katulad ng Department of Tourism (DOT), Industrial Technology Development Institute (ITDI) at Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST), Food and Drug Administration (FDA) ng Department of Health (DOH), at ang Philippine Coconut Authority (PCA) at Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).
Hinihikayat naman ang mga magtutungo sa fair na magdala ng sariling reusable shopping bags.
Comments are closed.