287 CHINESE MILITIA VESSELS NAMATAAN SA KALAYAAN

Chinese militia vessels

NASA 287  Chinese militia vessels ang namataan sa karagatang sakop ng bayan ng Kalayaan sa Palawan.

Ito’y ayon sa government task force ng West Philippine Sea batay na rin sa kanilang isinagawang pagpapatrolya noong Linggo, ika-9 ng Mayo.

Ayon sa ulat ng National Task Force on West Philippine Sea (NTF-WPS), nasa 287 na Chinese Maritime Militia vessels ang namataan sa Kalayaan waters na kapwa nasa loob at labas ng exclusive economic zone ng Filipinas.

Sa kabila pa rin ito ng paulit-ulit na pakiusap ng mga opisyal ng pamahalaan na i-pull out na ng China ang kanilang mga barko sa karagatang sakop ng Filipinas.

Bukod pa rito, isang Chinese Coast Guard vessel din ang namataan sa Ayungin Shoal sa gitna naman ng pagpapatrolya ng naturang  task force noong nakaraang linggo.

Samantala, nanindigan ang NTF-WPS na patuloy nilang paiigtingin ang kanilang presenya sa West Philippine Sea upang maprotektahan ang kapakanan at karapatan ng mga mangingisdang Pinoy.

Hinimok din nila ang mga kababayang mangingisda na magpatuloy sa kanilang paglalayag at pangingisda sa WPS. DWIZ882

Comments are closed.