CAGAYAN – MULING aayudahan ng Department of Agriculture (DA)- Region 2 ang mga hog raiser sa 288 barangays na apektado ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA Regional Executive Director Narciso Edillo, umaabot na sa 19,676 baboy sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Quirino ang kinatay dahil sa epekto ng ASF habang ang Nueva Vizcaya naman ay nananatiling ASF free.
Base sa talaan, pinakamaraming baboy na naapektuhan ng ASF ay nagmula sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Isabela tulad sa Cauayan City, sa mga bayan ng Reina Mercedes, Luna, Cabatuan, Roxas, Aurora at sa bayan ng Quezon.
At sa lalawigan ng Quirino, apat na bayan ang nakapagtala ng kaso ng ASF habang lima sa Cagayan at 23 sa Isabela.
Ayon pa sa ulat, umaabot sa 288 barangays ang kumpirmadong apektado ng ASF mula sa 35 bayan sa Region 2 kung saan inihahanda na ang ikalawang ayuda sa mga hog raiser sa Region 2.
Inabisuhan na din ng DA ang mga hog raiser na maghintay lamang sa ayuda dahil medyo mabagal ang usad ng proseso at dadaan pa ito sa Department of Budget and Management (DBM). IRENE GONZALES
Comments are closed.