29-ANYOS ‘SINALUBONG’ NI KAMATAYAN

pinagbabaril

RIZAL – PATAY ang 29 anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang salarin sa harap ng isang mall alas-8:30 ng umaga kahapon sa bayan ng Angono.

Kinilala ang biktima  na si Roy Magallano ng 14B Manggahan St. South Signal Village, Taguig City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, sakay ng isang puting L300 van at pumarada sa harap ng mall ang biktima na pumasok sandali sa loob ng nasabing establisimiyento at paglabas ay may sumalubong na lalaki  sa kanya  na bumaril sa kanya.

Nagawa pa umano habulin nito ang suspek, ngunit sa kasawiang palad ay humandusay na ito sa semento, kung saan binawian din ito ng buhay.

Inaalam pa ng Angono Police ang pagkaka­kilanlan ng bumaril na suspek.

Ayon sa ilang nakasaksi, matapos ang pamamaril ay mayroong nakaabang na motorsiklo kung saan sumakay ang suspek at saka mabilis na tumakas. ELMA MORALES

Comments are closed.