2K BRGY OFFICIALS ISINUMBONG SA DILG

DILG-BRGY

UMAABOT na sa mahigit 2,000 mga sumbong ang natatanggap ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa ilang mga barangay officials.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, karamihan sa mga ito ay may kinalaman sa umano’y katiwalian ng mga opisyal ng barangay hinggil sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Sinabi ni Diño, kabilang na rito ang binanggit ni Pangulong Rodrigo Dutere na barangay kagawad ng Hagonoy Bulacan na si Danilo Flores.

Aniya, umaabot sa libo ang hinihinging pera ni Flores mula sa mga benepisyaryo ng SAP na nakatanggap na ng pinansiyal na ayuda.

Dagdag ni Diño, kasalukuyan nang nakakulong si Flores matapos maaresto noong nakaraang linggo at mahaharap sa patong-patong na reklamo

Kaugnay nito, muli namang binalaan ni Diño ang mga opisyal ng barangay na masasangkot sa katiwalian hinggil sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP.            DWIZ882

P30K PABUYA NI DIGONG SA TIPSTER NG MGA KORAP

HALAGANG P30,000 ang  pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magbibigay ng  impormasyon tungkol sa mga korap na opisyal  na  kinakangkong ang pondo ng gobyerno para sa social amelioration program (SAP).

Sa kaniyang public address, tinukoy ng Pangulo si Brgy. Agustin, Hagonoy, Bulacan Kagawad Danilo Flores na umano’y isa sa mga korap na opis-yal.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinumang magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga  lokal na opisyal  na kumuku-rakot sa ayuda na para sa mahihirap ay bibigyan ng pabuya ng Pangulo.

Maaring i-report ang mga ito sa numero na 8888.

Kaugnay nito ay pinababantayan din ng Pangulo sa mga mayor  ang pamamahagi ng pera sa mga benepisyaryo.