2ND BATCH NG KADAMAY SUMUKO SA MILITAR

KADAMAY

BULACAN – NASA 185 miyembro ng Ka­damay ang sumuko sa mga operatiba ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army at Philippine National Police kahapon ng umaga.

Sa report ni Lt. Cocjin kay 48IB Battalion Commader Felix Emiterio Valdez, ito na ang ikalawang pagkakataon ng pagsuko ng mga miyembro ng Ka­damay na tagasuporta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa lalawigan ng Bulacan.

Nabatid na una nang sumuko ang 40 mi­yembro ng Kadamay, na binigyan na ng magandang buhay ng gobyerno.

Ayon naman kay Ka Anna, ang pagsuko ay para sa second chance na ibinibigay sa kanila ng pamahalaan at hindi sa kung anumang na ibibigay ng gobyerno dahil ang tanging pakay nila ay para sa kapayapaan.

Samantala,  ipinaalala naman ni Acting  PNP Provicial Director P/Col. Emma Libunao, na handa ang law enforcement na ibigay sa mga rebelde ang mas maayos na pamumuhay sa kanilang mga kumunindad.

Kasabay nito ay isinuko rin nila ang ilang mga baril na gamit ng kilusan.

Samantala, nangako sina Pandi Mayor Enrico Roque at Gobernor Da­niel Fernando na ibibigay nila ang lahat ng paraan para matulungan na makabalik sa normal na pamumuhay ang mga sumukong rebelde.

Tulad ng maayos na hanapbuhay, magandang kapaligiran at ligtas na komunidad.

Pahayag din ng gobernador sa iba pang mi­yembro ng Kadamay na hindi pa nakapagdedesisyon sa kanilang sarili na mas makabubuti kung magbabalik loob na sila sa pamahalaan. THONY ARCENAL

Comments are closed.