ASAHANG makokontrol at maagagapan ng Philippine National Police (PNP) ang pagdami ng personnel na dinapuan ng COVID-19.
Ayon kay PNP Chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan ito ay dahil magagamit na rin ang molecular laboratory o COVID-19 testing center na nasa loob ng PNP General Hospital sa Camp Crame.
Habang ang unang RT-PCR (reversed transcription polymerase chain reaction) Testing Center na nasa loob ng Crime Laboratory ay nag-operate noong Mayo.
At dahil sa agad masusuri ang suspected COVID19 infected, madali nang mai-isolate para hindi makahawa pa.
.Sa ulat na natanggap ni Cascolan, noong Oktubre 28 ay kinuha mula sa DOH Central Office ng kanilang pathologist na si Dr Jun Evangelista ang license to operate ng bagong molecular laboratory na itinayo sa PNP General Hospital.
Kahapon ay sinimulan ang break in operations at batay sa ulat ng Administrative Support to COVid Operations (ASCOTF) na pinamumunuan ni Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag ay maaari itong makapag-test ng 90 specimens.
Sa susunod na mga araw, ani Cascolan ay madagdagan ng hanggang 150 katao ang maaaring i-test.
Ang pagtatayo ng RT PCR Test sa Camp Crame at iba pang police camps ay inisyatibo ni Cascolan noong siya pa ang deputy chief for administration at ASCOTF commander. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.