2ND WIN ASAM NG BOLTS, TEXTERS

TEXTERS-BOLTS

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Blackwater vs TnT

7 p.m. – Meralco vs Alaska

IPAPARADA ng  TnT KaTropa ang bago nitong import sa pagsagupa sa Blackwater sa PBA Go­vernors’ Cup ngayon sa Mall of Asia Arena.

Nakatakda ang bakbakan ng Texters at Elite sa alas-4:30 ng hapon.

Kinuha ng Texters si Stacy Davis, produkto ng Pepperdine University sa California, kapalit ni Mike Glover na pinauwi pagkatapos ng unang laro lamang.

Hindi naging impresibo ang ipinakita ni Glover sa 90-103 pagkatalo sa NLEX sa opening day ng season-ending conference noong Agosto 17.

Naglaro ang tropa ni coach Nash Racela na all-Pinoy sa sumunod nilang laro laban sa Meralco kung saan nanalo ang Texters, 92-90.

Pagkatapos ng tour of duty ni Davis sa Pepperdine noong 2016 ay nag-apply ito sa NBA draft noong taon ding ‘yun pero hindi nakuha.

Naglaro si Davis sa Superleague sa Ukraine at sa LNB Pro B sa France.

Balik-import naman si Henry Walker para sa Elite na sasalang sa unang pagkakataon sa conference.

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay magpapambuno ang Bolts at Alaska Aces.

Target ng Meralco ang ikalawang panalo sa tatlong laro, habang sisikapin ng Aces na masungkit ang unang panalo sa conference.

Comments are closed.