Mga laro sa Miyerkoles:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – Blackwater vs San Miguel
5:45 p.m. – Magnolia vs TNT
NAIPOSTE ng Rain or Shine ang ikalawang sunod na panalo makaraang pataubin ang Terrafirma, 106-94, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Galing sa 22-point rout sa Barangay Ginebra, kumarera ang Elasto Painters sa isa pang impresibong panalo upang ipalasap sa Dyip ang kanilang ika-19 na sunod na talo simula pa noong nakaraang season.
Naitala ni import Steve Taylor Jr. ang 13 sa kanyang 20 points sa first half bago nanalasa si rookie guard Gian Mamuyac sa huling dalawang quarters.
Kinamada ni Mamuyac ang lahat ng kanyang 17 points sa second half at nagdagdag ng 5 rebounds habang lumamang ang Rain or Shine ng hanggang 18 points tungo sa panalo para umangat sa 2-1 sa team standings.
Tumapos din si Taylor Jr. na may 24 rebounds, 3 blocks, 3 assists, at 2 steals, habang nagdagdag sina Beau Belga at Andrei Caracut ng tig-12 points at nagbigay ng pinagsamang 7 assists.
Gumawa si Santi Santillan ng 8 points habang nag-ambag sjna as Rey Nambatac, Norbert Torres, at Nick Demusis ng tig-7 points para sa Elasto Painters.
Nalimitahan ng Rain or Shine si Terrafirma import Lester Prosper sa 20 points lamang makaraang kumamada ito ng average na 42 points sa kanilang unang dalawang laro.
Bumuslo si Prosper, kumalawit ng 16 rebounds, ng 7-of-27 mula sa field. Nahulog ang Dyip sa 0-3.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Rain or Shine (106) – Taylor Jr. 20, Mamuyac 17, Belga 12, Caracut 12, Santillan 8, Demusis 7, Torres 7, Nambatac 7, Nieto 5, Ponferrada 3, Ildefonso 3, Norwood 3, Asistio 2, Guinto 0.
Terrafirma (94) – Prosper 20, Tiongson 17, Cabagnot 14, Munzon 11, Gomez de Liano 7, Calvo 6, Mina 5, Balagasay 5, Camson 4, Cahilig 3, Gabayni 2, Javelona 0.
QS: 28-20, 54-49, 75-66, 106-94.